PARA SA MGA KABATAANG TARLAQUEÑO: PAGHAHANDA SA KOLEHIYO! Ang pagpasok sa kolehiyo ay mahalagang hakbang , at hindi ninyo ito kailangang gawin nang mag-isa. Kung nais ninyong makapasok sa University of the Philippines Open University (UPOU), narito ang pagkakataon para sa inyo.

Ano ang UgAT? Ang Undergraduate Assessment Test ay isang pagsusulit na kailangan upang makapasok sa UPOU. Ang mahusay na paghahanda ay susi sa inyong tagumpay.

Sa pangunguna ng Ugnayan ng Pahinungód narito ang ilang detalye ng Project HANDA:

LIBRENG Online Review Sessions

Tuwing Sabado — Buong Oktubre

Online — kahit nasaan man kayo sa Tarlac

Mga dalubhasang tagapagturo mula sa University of the Philippines

Ano ang matututunan? • Pagbabalik-aral sa mga asignaturang sakop ng UgAT • Mga estratehiya sa pagsagot at pamamahala ng oras sa pagsusulit • Gabay tungkol sa pagpasok at pag-aaral sa UPOU • Pundasyong makatutulong hindi lamang sa pagpasok sa UPOU ngunit pati na rin sa iba pang nais subukan pasukang SUCs

Paano makasali?

1. I-scan ang QR code upang magparehistro

2. Punan at isumite ang form

3. Hintayin ang mensahe mula sa Ugnayan ng Pahinungód UPOU para sa iskedyul at susunod na hakbang.

Huwag palampasin! Halina sa Unibersidad ng Pilipinas – Bukas na Pamantasan, dito ay Walang Maiiwan!