Isang patunay sa kahusayan, katapatan at epektibong serbisyo publiko ng Administrayong Venus Jordan. ![]()
![]()
![]()
Sa ikalawang pagkakataon SGLG Awardee muli ang Bayan ng La Paz.
Sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Venus Jordan, sa pagtutulongan ng Sangguniang Bayan at mga Department Heads, ang Munisipalidad ng La Paz ay nagkamit ulit ng pinakamataas na parangal na ibinibigay ng DILG sa isang Local na Pamahalaan na nagpakita ng Kahusayan sa local na pamamahala.
Ang Seal of Good Local Governance (SGLG) ay isang programa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagbibigay parangal sa mga lokal na pamahalaan (LGUs) na nagpapakita ng kahusayan sa pamamahala at epektibong serbisyo sa kanilang mga nasasakupan. Ang SGLG ay isang mahalagang pagkilala sa mga LGU na nakakatugon sa mga itinakdang pamantayan sa iba’t ibang larangan ng mabuting pamamahala

