RIO CHICO WATER LEVEL UPDATE ![]()
5:00 AM | Agosto 5,2026, (Myerkules)
Antas ng Tubig: 4.43 meters
ALARM LEVEL
Ang 4.43 metro na antas ng tubig ng Rio Chico River ay nasa Alarm Level. Ibig sabihin, may posibilidad o may nagaganap nang pagbaha sa mga mababang lugar na malapit sa ilog.
Paalala sa mga nakatira malapit sa ilog at mabababang lugar:
Ihanda ang mahahalagang gamit.
Ihanda ang emergency go bag.
Maging handa kung kinakailangang lumikas.
Patuloy na subaybayan ang mga abiso mula sa DOST PAGASA at sa LA PAZ MDRRMO.
Maging handa sa posibleng paglikas kung maglabas ng utos ang mga awtoridad.
Iwasang tumawid o lumapit sa rumaragasang tubig at mga bahaging madaling bahain.

