Ukol sa mga Lumalabas na Hindi Beripikadong Pahayag hinggil sa Municipal Ordinance No. 3, Series of 2026, at sa Sinasabing Donasyong Nagkakahalaga ng ₱1,000,000.00
Kaugnay ng mga kumakalat na hindi beripikadong posts sa social media hinggil sa Municipal Ordinance No. 3, Series of 2026, at sa sinasabing donasyong nagkakahalaga ng ₱1,000,000.00, nais po naming magbigay ng malinaw na paglilinaw sa publiko.
Hinihikayat ang lahat na maging mapanuri at tiyaking opisyal at beripikado ang mga impormasyong ibinabahagi at pinaniniwalaan. Ang pagpapakalat ng hindi kumpirmadong balita ay maaaring magdulot ng kalituhan at maling pagkaunawa sa komunidad.
Ang aming tanggapan ay nananatiling bukas sa anumang katanungan at handang magbigay ng wastong impormasyon alinsunod sa umiiral na mga batas, alituntunin, at opisyal na rekord.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala at pakikiisa.




