Kahapon Agosto 13, 2026 Nagsagawa ng monitoring visit ang Department of Health Central Luzon Center for Health Development (DOH CLCHD), kasama ang Tarlac Provincial Health Office, sa Bayan ng La Paz, Tarlac upang subaybayan ang pagpapatupad ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA) at Vitamin A Supplementation Activity.
Isinagawa ang pagbisita sa Caramutan Evacuation Center, kung saan ang mga batang 6 hanggang 59 buwang gulang nandoon ay nabakunahan laban sa tigdas at rubella at nabigyan din ng Vitamin A supplementation. Layunin ng mga gawaing ito na maprotektahan ang mga bata laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna at makatulong sa kanilang wastong paglaki at malusog na pangangatawan.
Dumalo sa monitoring visit sina Dr. Lailani Mangublabnan, Assistant Regional Director; Dr. Janet Miclat, Head, Family Health Cluster; Ms. Maria Noel Lim at Mr. Jayson Soriano ng Provincial DOH Tarlac; at sina Ms. April Joyce Caligagan, Mr. Brian Von Dayrit; at Rayann Cruz ng Tarlac Provincial Health Office.
Nakiisa rin sa aktibidad sina Municipal Mayor Hon. Venustiano D. Jordan, Municipal Administrator Ernesto “EJ” Jordan, Hon. Councilor Paulino “Nol” Sangil, at Municipal Health Officer Dr. Anthony M. Nulud, bilang pagpapakita ng patuloy na suporta at pakikiisa ng Pamahalaang Bayan ng La Paz sa mga programang naglalayong pangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga bata.
Sa sama-samang pagkilos ng DOH, Tarlac Provincial Health Office, at Pamahalaang Bayan ng La Paz, masisiguro nating mas maraming bata ang mapoprotektahan, mababakunahan, at mapangangalagaan.
Magpabakuna, maging ligtas!
Vitamin A today, dagdag-sigla everyday!





