Ngayong buwan ng Marso, sama-sama nating isulong ang kamalayan at pagkilos laban sa rabies sa pamamagitan ng taunang programa ng La Paz Municipal Agriculture Office. Layunin nating makamit ang isang komunidad na ligtas, malusog, at rabies-free para sa bawat pamilyang Pilipino.
Ang rabies ay isang nakamamatay ngunit 100% preventable na sakit. Sa pamamagitan ng tamang kaalaman at responsableng pag-aalaga ng hayop, maiiwasan natin ito. Narito ang ilang mahahalagang paalala:
📌 Magpabakuna ng alagang hayop – Siguraduhing updated ang anti-rabies vaccination ng inyong aso at pusa taun-taon.
📌 Responsableng pet ownership – Panatilihing malusog, malinis, at nasa tamang pangangalaga ang inyong mga alaga. Huwag silang pabayaang gumala.
📌 Iwasan ang kagat ng hayop – Turuan ang mga bata at miyembro ng pamilya kung paano ligtas na makisalamuha sa mga hayop.
📌 Agarang aksyon kapag nakagat – Hugasan ang sugat ng sabon at dumadaloy na tubig sa loob ng 10-15 minuto at agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center.
Sa simpleng hakbang, malaking ambag ang maibibigay natin upang maiwasan ang rabies at mapanatiling ligtas ang ating komunidad.


