🌸 Kick-Off Activity ng National Women’s Month

Ngayong buwan, ating kinikilala ang hindi matatawarang ambag ng kababaihan sa paghubog ng mas matatag at maunlad na komunidad. Kahapon (March 10, 2026) ay nagsimula na Ang bayan ng La Paz para sa iba’t ibang gawain para sa mga kababaihan. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang patuloy na itaguyod ang pagkakapantay-pantay at paggalang sa kababaihan. 💜kasabay din nito ang pagbigay ng pagkilala para sa mga kontribusyon ng 6 na natatanging babae ng ating bayan sa pamamagitan ng Gawad Lakambini ng La Paz.

Ating suportahan pa ang iba’t ibang gawaing inihanda ng ating pamahalaan bilang parte ng nasabing selebrasyon.