Handog ng University of the Philippines – Open University at Tarlac Provincial Government, sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng La Paz, ang UPOU Education Caravan para sa ating mga kababayan!

MGA DETALYE NG CARAVAN:

Kailan: Setyembre 24, 2026 sa ganap na 8:00 AM

Saan: Balay Silangan, Caramutan Evacuation Center

INIALOK NA MGA ASSOCIATE PROGRAM:

Associate in Arts (AA)

Associate of Science in Instructional Design and Technology (ASIDT)

MGA QUALIFICATION:

High School / Senior High School graduates na hindi pa nakakapag-enroll sa kolehiyo

ALS A&E Test (Secondary Level) Passers mula sa DepEd

MGA DALAHING REQUIREMENTS:

Original copy ng PSA Birth Certificate

Original copy ng Form 137 at Form 138

Dalawang (2) pirasong 2” x 2” ID photo:

Full face, nakasentro, at malinaw ang mga mata (walang salamin o accessories)

May handwritten name tag (First Name, Middle Initial, Last Name, Extension Name kung mayroon) at pirma sa ibabaw ng pangalan

Brown Envelope:

Isulat nang malinaw sa likod ang: Buong Pangalan (Apelyido, Pangalan, Gitnang Pangalan), Kumpletong Address, at Contact Number

Application Fee: Php 350.00

I-scan lamang ang QR Code sa poster para sa pre-registration.