Ang Public Employment Service Office (PESO) La Paz ay muling nakatanggap ng dalawang mahalagang pagkilala na sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng La Paz sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo at mga programang nakatuon sa pag-unlad ng ating komunidad.

πŸ† Certificates of Accreditation – bilang pagkilala sa matagumpay na implementasyon ng Community-Based Training Program (CBTP) for Welders – SMAW NC I & NC II, na magbibigay ng mahalagang kasanayan at mas maraming oportunidad sa hanapbuhay para sa ating mga kababayan.

πŸ† Certificate of Completion – iginawad ng Department of Science and Technology (DOST) Regional Office para sa matagumpay na pagpapatupad ng proyektong β€œStrengthening Science and Technology Education in La Paz, Tarlac Through the Provision of Appropriate Technologies.” Ang proyektong ito ay naglalayong palakasin ang edukasyon sa agham at teknolohiya sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na teknolohiya sa ating mga paaralan at komunidad.

Ang mga pagkilalang ito ay patunay ng dedikasyon ng PESO La Paz, sa patuloy na supporta ni Hon. Mayor Venustiano D. Jordan, katuwang ang TESDA, DOST, at iba pang partner agencies, sa patuloy na pagpapatupad ng mga programang nagpapalawak ng oportunidad sa trabaho, nagpapaunlad ng kasanayan, at nagsusulong ng agham, teknolohiya, at edukasyon para sa bawat La PazeΓ±o.

Maraming salamat sa lahat ng ating mga katuwang sa patuloy na pagtitiwala at suporta. Sama-sama nating ipagpapatuloy ang paghahatid ng Serbisyong may Puso at mga programang tunay na makabuluhan para sa mamamayan ng La Paz.